Meron ulit akong inorder sa Lazada, ito ang Blackview Oscal C80 na may price na PHP6,599. Sama-sama nating tignan at ibibigay ko ang first impression ko. Kung interesado kayong bilhin ito, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cljm8r6
UNBOXING
Infairness naman kasi ang ganda ng box niya. Naka-gradient color ng box nito from blue to purple to pink. Sa likod ng box, may nakalagay na top specs. Pagkabukas ng box, ang unang bubungad ay tempered glass. Pagkatapos, makikita na ang Blackview Oscal C80 na may nakalagay ng jelly case at may protective film. Reminder lang, dahan-dahan niyong alisin ang protected film para hindi sumama ang screen protector. Sa loob ng box, meron itong document sleeve na may laman na sim ejector pin at documentation, 18W charger at USB-C to USB-A cable.
DESIGN
Ang ganda ng likod nitong C80, matte-finished, hindi kapitin ng fingerprint at smudges at medyo similar siya sa likod ng Poco M5S. Mukhang iPhone naman ang camera module nito. Tapos, flat ang sides niya kaya hindi mo iisipin na less than PHP7,000 lang ang phone na ‘to. Medyo makapal lang ang kanyang chin at notch pa din ang ginamit dito which is acceptable pa din naman para sa ganitong presyo. Meron itong conventional fingerprint scanner, volume up and down, USB-C port, speaker, main microphone, headphone jack at sim tray.
ISSUES
Habang nagseset-up ako, may mga lumabas sa screen na kulay black na makakapal na guhit. Kahit na-restart ko na, meron pa din siyang tinatawag na garbage display. Isa pang prolema, hindi bumababa to 60Hz ang refresh rate niya at walang option para mabago ang screen refresh rate, meaning naka-lock lang siya sa 90Hz. Nagtry din ako mag-games pero meron pa din talaga siyang garbage display kaya hindi ko na tinuloy.
Pero, nakakuha naman ako ng Antutu Benchmark para makita ninyo. Kapag hindi naka-off ang Virtual RAM, meron itong 259529 Antutu Score, which is acceptable naman para sa presyo niya. Kapag naka-off naman ang Virtual RAM, meron naman itong 256739 na medyo weird kasi bumaba siya.
Gusto ko din sana kumuha ng data sa PC Mark pero hindi niya kayang patakbuhin ang 3D Mark o Wild Life Stress Test. I think may kinalaman siya sa display kasi may problema siya talaga. Hindi ko alam kung may problema ba siya sa installation ng OS o drivers.
Pero ang ginawa ko kaagad nung sunod-sunod ang garbage display, ni-report ko siya at kukunin siya dito sa bahay namin. Kapag nabalik na ang pera, bili na lang tayo ng ibang phone na ire-review natin.
Sa ngayon, iwasan niyo muna itong OScal C80. Pero, para sa mga nakabili na ng phone na ‘to, naka-experience din ba kayo ng ganitong issue? Kung naka-experience kayo, anong ginawa niyo? Paki-comment niyo diyan sa baba. Sana ako lang ang naka-experience nito.
Sa experience ko, hindi ko maire-recommend na bilhin niyo ito kasi nakakatakot siya talaga. Hindi mo sure kung ‘yung unit na ipapadala sa iyo ay may garbage issue o wala. Kasi may na-review naman ako na mga Blackview tablets na okay naman kasi sila ang nagpadala. Pero, nung ako na ang bumili, meron ng ganitong issue. ‘Yun lang. Iwasan niyo na lang muna ang phone na ‘to.