Siguradong matutuwa dito ang mga gamers na naghahanap ng monitor na mataas ang refresh rate, wide at accurate ang colors. Pag-uusapan natin ngayon ang AOC Agon AG493UCX2. Ito ay 49″ Curved SuperWide 5K Gaming Monitor.
Napakahaba at napakabigat ng box nitong monitor na ‘to. Tandaan, hindi siya dapat i-open sa itaas ng box. Kailangan niyo siyang baliktarin bago i-open. Pag-open, makikita natin ang mga paper works, malaking black na box na may Agon na logo kung saan andito lahat ng mga cable at monitor stand. Nagulat ako kasi ang gaan ng monitor stand niya kahit malapad siya. Reminder lang para sa magbubukas ng box na ‘to ay dapat may kasama kayo kasi pwede mong ma-damage ang monitor kapag nagkamali ka.
Isa sa mga document na makikita natin sa box ay ang Factory Calibration Certification. Ibig sabihin, bago pa natin ito mabili sa mga stores ay factory calibrated na ang colors niya. Sa sRGB Color Space, less than 1 ang Delta E, meaning, sobrang lapit ng kulay niya sa mismong makikita ng mata natin. To summarize, para alam na alam niyo ang color reproduction niya, sa NTSC Color Space ay 100% ang coverage, sRGB 121% at sa DCI-P3 ay 91% naman.
Kapag natanggal na ang balot ng stand, mapapansin mo talaga ang simplicity at elegance. Unlike sa ibang mga gaming monitors, medyo over the top na ang design nga mga iyon at mahirap ng ibagay sa desk natin. Atleast ito ay neutral lang ang colors at design.
Next, ilalapag natin sa flat surface ang monitor habang nasa styro pa. Magagawa natin iyan gamit ang mga plastic handles na nakadikit sa styro. Pagkatapos, pwede na nating i-install sa monitor ang stand. Sa Agon black box, kunin lang natin ang apat na screws na nasa iisang plastic at iyan ang gagamitin natin sa stand. After natin makabit ang mga screw, pwede na nating buhatin ang monitor gamit ang stand.
Sa ilalim ng monitor, makikita natin ang power supply switch at power port. Sa kabilang side sa likod ay makikita naman ang ibang mga ports niya tulad ng tatlong HDMI 2.0 ports, isang display port 1.4 at isang USB-C port na may power delivery na up to 65W kaya sakto sa mga laptop natin. Hindi na natin kailangan ng additional charging cable. Meron din siyang tatlong USB 3.2 ports at headphone jack. Meron din itong dalawang 5W na speakers sa magkabilang dulo. Hindi naman mala-Dolby sounds ang quality ng sounds ng monitor na ‘to pero pwedeng-pwede na as a backup. May Agon logo din tayong makikita sa likod na hindi masyadong loud ang design.
‘Yung resolution ng monitor na ‘to ay 5120 x 1440. Ibig sabihin, Dual QHD siya. Tapos, ang kanyang aspect ratio ay 32:9, ibig sabihin, parang dalawang 16:9 na monitors na pinagdikit. Kung susumahin natin, para itong dalawang 24″ monitor na pinagsama. Pero, unlike sa dual monitor setup, wala itong bezel sa gitna na nakakaistorbo o haharang sa view natin. Pwede ding ma-adjust ang view natin kasi pwedeng i-tilt at i-adjust ang height ng monitor. Always remember lang na dapat may sapat kang desk space para dito kasi talagang napakalapad niya at malaking space ang kukunin ng stand niya.
Pero kung hindi tayo komportable sa stand ng monitor na ‘to kasi nga sobrang laki ng space ang kukuin sa desk natin, pwede naman tayong bumili ng mount pero siguraduhin lang natin na kakayanin ng mount na iyon ang bigat ng monitor na ‘to.
Akala ko ‘nung una ay malaking adjustment ang kailangan ko para makasanayan ko ang feels ng 32:9 na monitor, pero hindi naman pala. As in ilang seconds lang, parang komportableng komportable na ako kaagad. Sobrang sarap nito gamitin lalo na kung video editors tayo kasi hahaba ng sobra ang timeline kaya hindi na natin kailangan mag-scroll ng mag-scroll.
1800R o 1800mm ang pagka-curve ng monitor na ‘to. Pero in reality, hindi mo na mapapansin ang pagka-curve nito kapag ginagamit mo na.
Meron itong software ang AOC para ma-split natin into three ang workspace natin. Halimbawa, meron tayong tatlong applications, pwede natin ‘yang sabay-sabay na makita at pantay-pantay ang hati nila. Kaya, when it comes to productivity, matutuwa talaga kayo sa monitor na ‘to kasi makakapagmulti-tasking tayo.
Meron din itong Picture-by-Picture (PBP) mode kung saan ang half ay Windows OS at ang half ay Mac OS. Ibig sabihin, pwede tayong magkabit ng dalawang computers dito, isang Mac at isang Windows kung gusto natin. Pero syempre ang primary focus ng monitor na ‘to ay gaming kasi meron itong 165Hz maximum refresh rate, 1ms response rate at adaptive sync.
Grabe ang experience na ibibigay ng monitor na ito pagdating sa gaming. Talagang sobrang immersive! Dagdag pa na 165Hz ang max refresh rate nito kung compatible sa DSC ang GPU mo. Of course, mapapansin niyo din kahit papano na ‘yung pinaka-sharp na part ng monito na ‘to kapag nagge-games tayo ay ang pinaka-enter na. Syempre, yun ang focus palagi at motion blur na lang ang nasa dalawang gilid. However, malaking bagay pa din para mas ma-immerse tayo habang naglalaro.
Vesa Certified Display HDR400 nga pala ang monitor na ‘to. Ibig sabihin, maganda ang magiging contrast niya at mas mataas ang peak brightness niya compared sa ibang monitor na walang ganitong klaseng certification.
Kung babalik tayo sa Agon black box kanina, meron pa itong remote control para sa monitor. Sobrang useful nito kasi hindi na natin kailangan pang kapain ang mga physical buttons sa ilalim ng monitor. Pwede na nating ma-access dito ang OSD at baguhin lahat ng settings. May dedicated buttons na din ito for volume and brightness.
Sa OSD, pwede nating baguhin ang game mode at may presets na tayong pwedeng piliin including FPS Mode. Andiyan din ang Shadow Control, Game Color, Adaptive Sync Toggle, Overdrive, Low Input Log, Frame Counter at marami pang iba. Remember, anim na page ang kanyang OSD Setting kaya sobrang dami nating mababago dito sa monitor na ‘to.
Overall, sobrang nag-enjoy ako dito sa AOC Agon AG493UCX2 monitor. First time kong makagamit ng super wide monitor kasi hanggang ultra wide lang ang na-try ko noon. Sobrang laking tulong pala talaga, hindi lang sa gamin, pati na din sa productivity natin.
Para sa akin, hindi ko lang ito mare-recommend sa mahilig mag-games kundi pati na din sa mga video editors o sa mga madami talagang ginagawang trabaho sa loob ng bahay. Plus, meron pa siyang Picture-by-Picture Mode na pwede nating saksakan ng dalawang computer na magkaiba ng OS.
If ever may tanong pa kayo sa monitor na ‘to, comment niyo lang diyan sa baba. At kung gusto niyo pa ng ibang details tungkol sa monitor na ‘to pati ang pricing, click niyo lang ang link na ‘to: https://invol.co/cliuoqc