Sobrang init ngayon! Nag-sususpend na nga ng in-person na klase kasi hindi na safe ang init para sa mga bata. Pero kahit sa loob ng bahay ay mainit pa rin talaga.
Kaya marami sa atin ang nagpaplanong bumili ng aircon. Kapag bibili tayo ng aircon, isa sa mga brand na talagang pinagkakatiwalaan natin ay TCL. Hindi lang dahil sa napakadaming products nila online at madaming mabibiling TCL products sa mall. Napakatagal na nila sa electronic industry, 42 years to be exact. At globally ay 120,000 ang employee nila. Napakalaki talaga ng company na ito at mapagkakatiwalaan natin. Ngayong 2024 ay meron silang ini-release na bagong aircon. Ito guys ang FreshIN 2.0 Inverter Air Conditioner. Pagusapan natin ang apat na benefits na makukuha natin sa aircon na ito ng TCL na hindi natin makikita sa conventional aircon sa ngayon.
FRESH AIR SYSTEM
Sa ibabaw ng FreshIN 2.0 ay may Liftable Air Inlet na makikita. Dito lalabas ang hangin na nilinis o galing sa labas. May LED light to para madali natin malaman kung ginagamit natin ang feature na ito.
Meron itong Breathing Mode. Kapag ito ang mode na pinili, ilalabas nito ang hangin sa kwarto natin at magpapasok ng hangin mula sa labas. Parang inhale and exhale principle. Eh ‘di papasok ang baho at alikabok galing sa labas? Don’t worry dahil meron itong tinatawag na QuadruPuri Filters. Bago pa lumabas sa Air Inlet ang hangin galing sa labas, dadaan muna ito sa 4 stages of cleaning. Kapag dumaan na ito sa filter ay malinis at mabango na ang hangin. Talagang safe na safe ang hangin kahit pa sa mga baby.
Wala namang ganiyang feature sa ibang Conventional Aircon, anong benefit ang binibigay nito sa atin? Ang primary advantage ng ganitong system ay mas fresh ang malalanghap nating hangin sa kwarto compared sa conventional aircon na nagci-circulate lang lagi ang hangin sa kwarto. Technically, ang nagiging filter ng hangin na iyon ay tayo mismo.
Kung mapapansin niyo, from time to time, parang hindi nawawala ang sipon at ubo natin. Kasi nga ang virus ay umiikot lang, papasok sa aircon, lalabas, malalanghap natin so on and so forth. Mapapansin niyo din na kahit ang amoy kulob sa kwarto ay hindi mawala-wala. Kasi nga hindi napapalitan ang hangin. Kapag nagprito naman ng tuyo at daing, masasarap iyan pero kapag prinito ay kumakapit ang usok. Kahit pa nga nakasara ang kwarto natin. Kapag nagbukas tayo ng aircon ay iikot lang ang hangin at matagal mawala ang amoy. Titiisin nalang natin or magii-spray ng chemical, kaya hindi talaga healthy. Napakagandang solution talaga ng FreshIN 2.0 Air condition kasi mapapalitan natin ang naka-stuck na hangin sa kwarto. Aabot din ng 60 cubic meter per hour ang flow rate ng inlet natin.
Pangalawang Mode sa FreshIN system ay Exhaust or Ventilation Mode. Kung ayaw mo ipasok ang outdoor na hangin sa loob ng kwarto, pwede mo gamitin ang mode na ito para ilabas lang ang hangin sa kwarto natin. Kaya nito humigop ng up to 30 cubic meters ng hangin per hour. Maganda din ang mode na ito kung may unpleasant smell sa kwarto natin na gusto natin mawala agad.
Pangatlong Mode ay Purification Mode. Kapag ito ang mode ay hindi ito kukuha ng hangin sa labas. Papaikutin lang nito ang hangin sa kwarto pero dadaan sa purification. Dadaan ito sa 4 steps of auto clean (Dewing > Frosting > Sterilizing > Drying). Copper ang evaporator nito at kaya nitong pumatay ng mga bacteria. Malinis din ang hangin kapag itong Mode ang ginamit natin.
Ang panghuling mode naman ay ang Fresh Air Mode. Puro inhale lang ng hangin sa labas. Maganda din ito kapag gusto natin makapasok ang malamig na hangin sa labas. Dadaan pa rin ito sa Quad Filters bago lumabas sa Air Inlet.
GENTLE BREEZE
Nang i-install ang FreshIN 2.0, wala akong idea na kahit ang pagbuga ng hangin ng air-con ay may improvement din. Sobrang even ng pagbuga nito ng hangin. Kasi yung conventional na split type na ginamit namin, kapag tumutok ako sa air-con ay parang electric fan ang feeling ng hangin. Talagang concentrated sa mukha ang buga ng hangin. Pero dito soft ang hangin at ang gentle ng pagdampi sa iyo ng hangin. Ang secret pala ay ang vanes. Meron itong 14 S-Shaped Vanes na may maliliit na mga butas. Ang total ng mga butas nito ay 1,106 kaya mas nababasag nito ang hangin at napapadali ang paglamig ng kwarto. Hindi rin nakakairita sa balat kapag tinamaan tayo ng hangin.
SMART CONTROL
First time ko makakita ng ganito sa aircon na merong companion app. Sa companion app makikita ang temperature na binubuga ng aircon. Pwede rin ma-turn off and on dito ang aircon, i-adjust ang temperature, baguhin ang mode, at marami pang iba.
Pwede rin natin baguhin ang direction kung saan ibubuga ang hangin. Makikita rin dito ang consumption natin ng air-con every day. From April 1 to April 8, ang total consumption ng FreshIN 2.0 so far sa bahay ay 65.97 kWh. Ngayong April, ang singil ng Meralco per kWh ay Php10.9518. Ang bill na namin so far ay Php722.49. Take note na almost 24 hours na bukas itong FreshIN 2.0 every day.
LIGHT SENSOR
Napakaliit na bagay lang nito pero sa totoo lang ay sobrang na-appreciate ko ito. Yung Air Inlet nito ay may LED Light at may ilaw din ang Display nito. Sobrang liwanag nito at kailangan iyan lalo na kung maliwang sa kwarto natin. Pero baka maistorbo tayo niyan sa pagtulog natin? Dito papasok ang Light Sensor. Sa oras na maramdaman ng aircon na madilim na ang kwarto, mamatay ng kusa ang ilaw sa air-con para hindi makaistorbo sa pagtulog natin. Bubukas ulit ito kapag maliwanag na.
Iyan guys ang mga top features ng bagong aircon ng TCL.
Price
Pero may anniversary promo ang TCL from April 1 to May 31, 2024.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Web – https://www.tcl.com/ph/en/air-conditi…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: