May bago na naman ang Vivo! This time, may color-changing Photochromic Design 2.0 at mas magandang set ng Cameras! Pag-usapan natin ‘tong Vivo V25!
Nagrelease na nga ang Vivo ng pinakabago nilang phone ito ang Vivo V25 5G. Ang presyo nito ay P23,999. At dito pag-uusapan natin lahat ng mga Pros and Cons, at lahat ng mga nagustuhan ko pati narin ang mga di ko nagustuhan para alam niyo lahat before niyo ito bilhin. Pero bago yan i-unbox na muna natin ‘to.
UNBOXING
Pagka-open natin ng box, V25 agad ang bubungad sa atin! Again, guys, ito yung Sunrise Gold at meron itong Color Changing Effect at habang binabasa mo ito, maipapakita ko sa inyo kung ano ang itsura niya kapag outdoor. Pero by default pa lang, ang ganda na ng design niya. Mamaya, mas mapag-uusapan pa natin yan. Tingnan muna natin yung mga kasama niya sa box:
Ito pala ang mga laman ng box na kasama ng mismong unit.
- Jelly Case
- Documentation
- USB Cable for charging
- Sim ejector pin
- Wired Earphones
- USB-C to Audio Jack Adaptor
- 44w Charger Brick
DESIGN
In case na hindi mo trip yung kulay ng Sunrise Gold, meron pang isang colorway: ang Diamond Black. At katulad ng sinabi ko kanina, meron itong color-changing effect. Unlike sa unang Vivo phone na meron ding color-changing effect na nareview na rin natin, ang nandito sa V25 ay ang tinatawag na Photochromic Design 2.0. Ibig sabihin, mas naimprove pa ang bilis ng pagpapalit ng kulay kapag nasa labas tayo.
Ang sabi ng Vivo about dito, “The Stronger the UV light the faster the color will change” kaya sinubukan ko agad siya outdoor, Totoo nga!! Pagkalabas na pagkalabas ko, hindi ko na agad napansin na nagbago siya ng kulay, nakita ko na lang nagpalit talaga ang kulay from Sunrise Gold to Orange kagaya ng makikita mo sa itaas na mga picture.
Meron din itong Flourite AG Matte meaning yung back panel ng V25 ay same lang sa X80 series ng vivo, so talagang premium yung makukuha natin dito sa V25 at eto pa guys! ang gaan talaga ng phone na ‘to 186g lang to be exact na kung tutuusin nasa 200+ grams yung karamihan sa mga phones na nirerelease ngayon. At meron pa itong IP54 water and dust resistant rating.
DISPLAY
6.44″ Halo FullView Display ang tawag dito ng vivo tapos naka Full HD+ AMOLED tayo tapos may 90Hz na Refresh rate tapos 180Hz na Touch Sampling Rate, tapos yung material na ginamit sa kanyang AMOLED Panel ay E3 na, so mga latest naman na materials yan.
If ever na hindi mo nagustuhan yung default ng screen color nitong vivo V25. Pwedeng-pwede nating ma-customize yan dito sa display settings, meron tatlong presets na Standard, Professional at Bright.
Sa refresh rate settings naman meron itong tatlong options. Smart switch, 60Hz at 90Hz. at ang isa pang good news dito sa display ng V25 ay naka-level 1 ang kanyang widevine security kaya makakapanood talaga tayo ng mga HD content sa mga streaming services.
Tingnan naman natin yung kanyang refresh rate behavior, after ko subukan yung smart switch niya, gaya ng makikita mo diyan sa picture after a few seconds nagreduce naman siya from 90Hz to 60Hz so makakatipid tayo ng battery kapag nilagay natin sa smart switch.
BODY STRUCTURE
Sa unang tingin aakalain mong walang lagayan ng micro SD card itong V25 Pero nung chineck ko yung sim tray niya pwedeng pwede pala tayong maglagay ng micro SD card. Hybrid nga lang siya, pipili ka kung dalawang sim pero walang SD card or isang sim at isang SD card.
PERFORMANCE
OS | Funtouch 12, Android 12 |
CHIPSET | MediaTek MT6877 Dimensity 900 (6 nm) |
MEMORY | 8/256GB, 8GB Extended RAM |
BATTERY | Li-Po 4500 mAh, Flashcharge 44W |
462083 ang Antutu score niya kapag naka 90Hz pero kapag nilagay natin sa 60Hz bumaba siya ng kaunti kase naging 458086 ang Antutu score niya. Yung optimal performance niya ay nasa 90Hz na refresh rate kaya kung gagamitin mo ito para mag games mas maganda kung sa 90Hz or dun na lang sa smart switch.
Itong vivo V25 ay may Liquid Cooling System, Tinest ko yan gamit itong Wild Life Stress Test, at ito ang naging result after 20 minutes na test, from 58% nabawasan lang siya ng 6% sa battery life, tapos 1°C lang ang tinaas ng temperature from 31°C to 32°C kaya talagang Effective yung kaniyang Liquid Cooling System.
BATTERY
4500mAh ang kanyang battery capacity at compatible sa 44W na flash charge. At sa test na ginawa ko from 17-100% inabot lang ito ng 55 minutes! Ang bilis, Pwedeng-pwede na talaga! at sa SOT o Screen on time naman kapag naka-set ito sa 90Hz aabot ito nang 13hours 57 minutes pero mas maganda kung nakaset lang ito sa 60Hz na refresh rate dahil nakakuha ito ng 15 hours 21 minutes na SOT, kaya malaki-laki ang improvement.
CAMERA
REAR CAMERA | 64 MP, f/1.8, IOS & EIS 8 MP, f/2.4, (ultrawide) 2 MP, f/2.4, (macro) |
CAMERA FEATURES | Rear Camera Bokeh Flare Portrait Natural Portrait Video HDR Bokeh Portrait Video 50MP Eye AF Selfie AI HD Portrait 4K Video (Front & Rear) |
SAMPLE PHOTOS
Na-bilib ako sa mga quality ng photos kuha dito sa V25, kitang-kita naman diyan sa mga sample photos sa itaas yung details and sharpness na kayang ibigay nitong 64MP na main shooter. Malinaw din na makikita diyan sa sample photos yung balahibo ng mga pusa, which is very challenging sa ibang mga phones, and take note indoor shots pa yan! Hindi masyadong maliwanag compare sa mga outdoor shots.
Dito naman sa outdoor shots, overall maganda yung quality pati na’rin yung kanyang dynamic range ay okay na okay din! Dahil hindi naman wash out yung mga ulap sa mga photos at tamang-tama lang yung liwanag sa mga building.
VIDEO CAMERA
Pagdating naman sa video dahil sa meron itong OIS or Optical Image Stabilization kahit pa naka-4k 30FPS stable parin talaga! Pero if ever na hindi ka kontento sa default stabilization pwede pa itong i-set to Ultra Stabilization pero magiging 1080P 60FPS na lang siya.
Pagdating naman sa video recording ng front facing camera, kaya nitong umabot ng 4k 30FPS kaya makakapag-vlog ka ng may malinaw na video, ang magiging down side lang talaga kapag naka 4k video recording ay mawawala yung EIS or Steadiface Stabilization ng front facing camera niya. Pero kung gusto pa’rin nating gamitin yung Steadiface Stabilization, magdo-down scale siya to 1080p video recording, para mas ma-enjoy niyo yung 4k video recording ng front facing camera n’ya mas maganda kung gagamit tayo ng gimbal.
VERDICT
Ito naman yung mga nakita kong Pros and Cons sa phone na’to. Hindi ko masyadong nagustuhan yung Notch. For 24,000 pesos, at almost 2023 na, dapat Punch-hole Selfie Camera na at hindi Notch. Ang isa pa sa hindi ko nagustuhan ay yung Single Speaker lang siya although maganda naman, malakas at hindi tunog lata. Pero dahil nga 24,000 pesos ‘to, mas okay pa rin kung Stereo speakers na lang sana yung nilagay nila.
CONS | Notch Single Speaker |
PROS | Cameras Performance Battery Design |
Kung kayo tatanungin? Alin ang mga nagustuhan niyo sa Phone na ito? Sulit ba siya para sa presyong P23,999? I-comment niyo lang diyan sa ibaba.