Haybriwan! Gusto kong i-share sa inyo itong bagong phone ng Samsung, ang Samsung Galaxy M52 5G!
Online exclusive lang itong Samsung Galaxy M52 5G. Ibig sabihin, sa Lazada lang natin siya mabibili o sa Shopee, hindi sa mga mall. Agad-agad, nag-order kami kasi nagandahan ako sa specs at hindi ko in-expect na wala pang 24 hours ay andito na. Sa Lazada, ang presyo nito ay P22,990.
Kung balak ninyong um-order, pwede kayong pumili sa tatlong kulay, ICY BLUE, BLAZING BLACK at WHITE. White ang nandito sa atin ngayon kasi ito ang napili ko.
Pag-open pa lang natin, makikita natin agad itong Samsung Galaxy M52 5G na nasa isang plastic. Ang isa sa mga kakaiba dito sa phone na ito ay yung kaniyang display kasi meron itong Super Amoled Plus.
Eto naman yung charging brick niya at hindi pa din nagbabago yung form factor ng kanilang charging bricks, same na same pa din sa ibang phone nila. Capable ito sa 25W charging speed pero hindi ko maintindihan kung bakit 10W lang yung nanditong charger. Meron din itong USB C to USB A cable. Sa ilalim naman ng top box, makikita yung sim injector pin at mga documentation.
Pero wala siyang jelly case!! Medyo nalungkot ako dun. Ine-expect ko pa naman na may jellycase ‘to!
Design and Construction
Sobrang puti nito guys! Glossy ang likod nito, so for sure fingerprint at smudge magnet ito, pero hindi dito masyadong halata kasi white na white yung kinuha natin. Ewan ko lang sa Black at sa Icy Blue.
Dito sa taas, meron tayong secondary microphone. Sa right side, meron tayong volume up and down button pati na yung fingerprint scanner na power-lock button na rin. Sa left side, andito ang ating sim tray.
Yung sim tray ay hybrid lang pero pwede tayong maglagay ng microSD card hanggang 1TB. Medyo sad lang kasi mamimili lang tayo kung dual sim pero walang SD Card o isang SD card pero single sim. Yun lang yung dilemma natin dito sa hybrid sim tray!
Display and Chipset
First impression: Sobrang ganda ng display, grabe iba talaga ang Samsung!
Ang laki ng improvement na makikita natin sa Super Amoled Plus compared sa Super Amoled. Kung hindi ka masyadong picky sa display basta Amoled, hindi mo masyadong pansin yung additional improvement na nilagay nila dito. Pero para sa akin, sobrang obvious compared dun sa ibang Super Amoled lang na display or OLED. Sobrang ganda at mas vibrant.
Pero ito ang dapat ninyong tandaan, wala itong screen protector at walang case so medyo nakakakaba siyang gamitin out-of-the-box kung hindi ka nakabili ng case. Or pwedeng unahin ninyong order-in yung case before itong phone kasi sobrang bilis lang ng delivery lalo na kapag taga-Quezon City kayo.
Meron itong punch hole selfie camera na nasa gitna, medyo nakaka-sad yun pero anjan na yan. Almost proportioned ang kaniyang bezel sa gilid at sa taas, medyo nakapalan lang sa bandang baba pero halos hindi mo na din yan mapapansin.
Ang crispy ng mga text at icon nito. Ibang klase talaga pag Samsung yung phone na nabili natin. Parang ang layo talaga dun sa mga usual na mga budget phone o mid-range phone sa ibang brand na nire-review ko. Magaganda naman sila pero pag Samsung talaga, tapos na laban pagdating sa display.
Itong M52 5G ay naka-Qualcomm Snapdragon 778G 5G chipset na, so decent yung kaniyang processor. At steal ang price ng phone na to kasi for P23,000 meron ka ng 778G 5G na processor dito or chipset. Tapos Super Amoled Plus na may 120Hz refresh rate.
Very responsive din ang fingerprint scanner niya, kailangan mo lang ilapat ng maigi ang finger mo sa scanner.
Cameras
Meron itong 64MP, f/1.8 na Main Shooter, Ultrawide na 12MP at 5MP na Macro lens. Ang kaniyang selfie camera ay 32MP, f/2.2.
Natuwa talaga ako kasi para sa ganitong price ang usual na nakikita natin is 16MP Selfie Camera, pero ito, 32MP na!
Eto pa ang isang good news, dahil naka 1080p yung display natin dito, hindi masasayang yan kasi yung widevine security level niya ay Level 1 so makakapanood tayo ng HD content sa Netflix.
Abangan niyo sa full review lahat ng makukuha kong data sa phone na ‘to: kung maganda ba talaga yung battery life. Kasi isipin niyo kahit naka Amoled siya at 5000mAh yung kaniyang battery capacity, 120Hz naman yung kaniyang refresh rate so medyo matakaw pa din yun sa battery. So titingnan natin kung decent pa din yung makukuha niya na SOT. Medyo confident naman ako na decent pa din ang makukuha niya na SOT dito, pero tingnan natin sa full review ang eksaktong SOT na mapipiga natin dito.
Overall, first impression ko ay ang ganda ng phone na to, ang ganda ng design, napaka-simple lang, ang ganda din ng kaniyang display at kaya natin mag-shoot ng 4k 30fps gamit ang selfie camera. Panalo!