Isa na namang Poco ang nandito sa atin. Andito sa atin ngayon ang Poco M4 Pro 5G at ang current price nito sa Lazada ay 11,990 para sa 4/64gb na variant 12,990 sa 6/128gb na variant. Pwede tayong mamili sa tatlong colors: Power Black, Cool Blue at Poco Yellow.
Ang nandito sa atin ngayon ay ang 6/128gb na Power Black. Alam kong marami sa inyo guys ang nakabili ng phone na ‘to pero sigurado akong marami pa dyan yung nagpa-planong bumili ng Poco M4 Pro 5G kaya pag-usapan natin ang dapat mong i-expect sa phone na ‘to before ka bumili.
Out of the Box
Kulay dilaw pa rin ang box ng Poco M4 Pro 5G, mukhang Realme at wala naman tayong ibang makikita dito sa box niya. Again, nandito sa atin ang 6/128gb na variant nila at ito din ang mai-re-recommend ko sa inyo kung sakaling bibili kayo. Para mas future-proof, dun kayo palagi sa mas mataas na variant.
Meron tayo ditong document sleeve na may sim ejector pin, mga documentation, meron ding mga Poco sticker at syempre di-mawawala ang jelly case. Normal lang naman ang jelly case pero ang maganda dito ay protected yung kaniyang camera module. Meron din itong USB-C to USB-A cable na may orange accent at 33W na fast charger.
Design and Construction
Ang ganda ng itsura ng Power Black, napaka simple tapos matte finish tayo dito so hindi din siya kapitin ng fingerprint at ng mga smudges kaya ang dali niyang i-maintain. Sa taas meron tayong Poco branding na matte finish din. Yung kaniyang camera module ay updated naman yung design.
Dito sa taas, meron pa rin tayong makikitang IR blaster, secondary microphone pati ang kanyang secondary speaker. Sa right side, andito and volume up and down buttons pati na rin ang fingerprint scanner na power lock button na rin. Dito naman sa left side, andito ang ating sim tray. Yung ating sim tray ay hybrid lang din so medyo nakakalungkot. At dito sa ilalim, andito ang headphone jack, main microphone, USB-C port at yung main speaker. Dito naman sa harap, andito ang ating punch hole selfie camera at meron na din tayong naka-install na screen protector.
Ang Poco M4 Pro 5G ay merong IP53 rating..so dust and splash protected naman siya so kahit na i-sanitize natin ng konti itong phone na ‘to o mai-spray’an natin ng alcohol ay okay lang. At nagustuhan ko talaga yung haptic feedback nitong M4 Pro 5G, para siyang Poco X3 GT level na haptic feedback, sobrang ganda at napaka-premium ng feel.
Isa pa sa edge ng design nitong Poco M4 Pro ay yung kaniyang speakers. Meron tayong stereo speakers dito, merong isa sa taas at isa din sa baba. Ang problema lang dito ay yung placement ng mga speaker. Kapag maglalaro tayo or manunuod ng naka-landscape, okay ang sounds sa baba pero matatakpan ng kamay natin yung speaker sa taas.
Yung kaniyang fingerprint scanner ay mabilis din. Tactile naman yung kaniyang power lock button, di siya nakakainis pindutin, mabilis naman siya kaya walang problema.
Display and Performance
Pagdating sa display, naka-6.6” tayo dito na IPS LCD, 1080 x 2400 ang kaniyang resolution na merong 399 ppi at maximum na 90Hz screen refresh rate. Pagkatapos, 240Hz na yung ating touch sampling rate dito at isa yan sa upgrade na makukuha natin sa M4 Pro compared sa M3 Pro na 180Hz lang yung touch sampling rate.
Isa pa sa bonus na makukuha natin dito sa M4 Pro ay meron na ‘tong Corning Gorilla Glass 3 protection na sobrang rare para sa ganitong presyuhan ng phone. Wala din tayong mapapansin kahit minor yellowish tint dito sa may bandang baba at wala din akong napansin na malalang light leaks kahit dito sa kaniyang punch hole selfie camera.
Isa pang good news, kapag hindi pa tayo kontento sa timpla ng kulay ng display, pwede nating i-adjust yan dito sa color scheme sa Display Settings. Meron tayong tatlong Presets at pwede nating i-adjust ang color temperature. Mama-maximize din natin ang kaniyang full HD na resolution kasi makakapag-play tayo ng mga HD content sa mga streaming services dahil ang kaniyang widevine security ay Level 1.
Pagdating sa performance, naka-MIUI 12.5 na tayo dito on top of Android 11. Ang kaniyang chipset ay mas updated kasi Dimensity 810 5G na tayo dito na 6NM. Tapos mamimili tayo kung 4GB or 6GB RAM yung gusto natin. Pagdating sa storage, pwede din tayong pumili kung 64GB or 128GB. Isa pang good news, meron tayo ditong MEMORY EXTENSION. Hindi natin mako-control ng sobra kasi hanggang 2GB lang talaga ang kaya niyang ibigay at ang pwede lang nating gawin ay i-enable o i-disable. Technically, dahil sa RAM extension nitong Poco M4 Pro, kapag ang binili mo ay 4GB na variant, meron kang 6GB RAM. Kung ito namang 6GB, meron kang 8GB RAM.
Benchmarks
Sa Antutu naman, nakakuha tayo ng 354,591 na score kapag naka-60Hz na refresh rate. Tumaas naman kapag naka-90Hz kasi 355,668 yung score natin.
Pagdating sa gaming, hinding-hindi tayo madi-disappoint sa Dimensity 810 5G na meron dito sa Poco M4 Pro. Halimbawa, dito sa Asphalt 9, napaka-smooth naman ng game play at wala akong maireklamo maliban sa hindi kumpleto yung graphics pero enough naman yung na-generate niya para mag-enjoy tayo sa buong laro. Pagdating naman sa NBA 2K20, kahit naka-ultra high settings tayo, wala akong na-encounter na problem or kahit na anong maliit na issue. Pagdating naman sa performance ng phone na ‘to sa Rush Rally 3, umaabot ng 38fps hanggang more than 40fps yung buong game play so napaka-smooth din.
Kung tatanungin niyo ako kung may napansin ba ako or na-experience na alarming heat dito sa Poco M4 Pro, ay wala din.
Cameras
Pagdating naman sa camera ng phone na’to ay meron tayong Dual Camera setup na 50MP, f/1.8 ang main shooter na naka-Isocell S5KJN1 na sensor. Meron din tayo ditong 8MP, f/2.2 na ultrawide at 16MP, f/2.5 na selfie camera na naka-Sony IMX355 na sensor. Compared sa M3 Pro, meron din tayong upgrade na nakita sa camera setup niya kasi doon sa M3 Pro para tayong naka-single camera setup kasi yung dalawang kasama niya ay depth sensor pati macro lens. Pero dito, talagang dual camera setup tayo kasi usable yung ultrawide at magagamit na din natin yun as macro lens. Pagkatapos, yung kaniyang selfie camera ay upgraded din from 8MP to 16MP dito sa M4 Pro.
Ito naman yung mga samples ng kaniyang camera at video samples. Sa sample ng 1080p video ng selfie camera ay okay naman. For the most part, yung kaniyang video quality ay parang hindi lang nagiging consistent yung liwanag natin dito sa camera ng M4 Pro 5G pagdating sa kaniyang selfie, medyo nagfi-flicker ng konti pero ayun nga, for the most part, okay naman, acceptable pa rin.
Battery Life and Charging Speed
Pagdating sa battery, 5000mAh ang ating capacity dito an capable sa 33W charging at upgraded ulit yan from M3 Pro kasi 18W lang ang charging speed nun. Pagdating sa battery life, malupit din itong M4 Pro 5G kasi kapag naka-90Hz tayo na refresh rate, aabot ng 15 hours and 43 mins yung SOT pero kapag ni-lock naman natin sa 60Hz ang refresh rate, 18 hours and 19mins ang SOT.
Pagdating sa charging speed, napakabilis din kasi 14-100% ay 1 hour and 18 secs lang ang inabot.
Before natin pag-usapan yung verdict natin dito sa Poco M4 Pro 5G, i-recap lang natin ang Pros and Cons:
PROS: | CONS: |
5G (Future Proof) | No 4K video recording |
IP53 rating | No stabilization |
90Hz 1080P | |
Widevine Sec Level 1 | |
Performance | |
Battery & Charging |
Conclusion
Masasabi ba nating sulit itong Poco M4 Pro 5G para sa presyo niya? Para sa akin, YES na YES! Napakadali para sa akin na i-recommend ang phone na ‘to. Kailangan niyo lang tandaan yung mga shortcomings ng phone na ‘to pero hindi naman kasi deal-breaker yung mga yun so mare-recommend ko pa din siya. Pero kung sakali na naka-Poco M3 Pro 5G ka na, wag kang masiyadong mag-alala na kailangan mo na agad mag-upgrade dito kasi hindi ganun kalayo yung diperensiya nila sa overall performance. Pero kung mas mababa pa sa Poco M3 Pro 5G yung phone mo, magandang upgrade itong M4 pro 5G.
Sana nakatulong ang article na ‘to!