Meron po akong hearing problem. Hard hearing po ako, hindi man po ako 100% bingi pero hirap ako makarinig kapag walang hearing aid.
Story
Nag-start ito na ma-notice ko, year 2013 or 2014. Sabi ng mga doctor ay congenital yung condition or since birth ay meron na talaga akong hearing problem. Pero sabi ng mga doctor na mano-notice lang talaga ang ganitong klaseng condition kapag adult ka na. Kaya naman 2013 ko palang ito na-notice. And maraming ENT doctor ang pinuntahan namin at nagsabi sila na ayaw nila akong bigyan ng hearing aid. Ayaw nilang mag-recommend ng hearing aid dahil may stigma. Kasi daw ang bata ko pa para magkaroon ng hearing aid. Stigma, meaning ay may impression agad yung mga tao sa isang may hearing aid.
Fast forward sa taong 2023, duon lang talaga ako nagkaroon ng recommendation ng isang doctor sa St. Lukes. Na kailangan ko ng mag-hearing aid at wala ng ibang praktikal na solution kundi mag-hearing aid. Meron isa pang solution sa kondisyon ko, operation. Pero darating din ang time na babalik ulit sa ganitong condition at kailangan ko ulit magpa-operation. Sayang lang at magiging cycle ang operation. Ayoko rin naman nun dahil mahal at masakit syempre. May healing time din yun kaya pinakapraktikal ay hearing aid.
Para magkaroon kayo ng idea sa condition ng tenga ko. Meron po tayong maliliit na bones sa likod ng tenga. At ang bones na iyun na nasa akin ay magkakadikit. Hindi ito masyadong nagvi-vibrate kaya konting konti lang ang naririnig ko or naiintindihan sa sound na iyun. Kaya kailangan ko talaga ng hearing aid. At dahil may hearing aid ako ay maayos naman akong nakakarinig. Yun lang ay kailangan ko pa ng isa pa kasi mas severe ang kabila kong tenga. Dahil sa sobrang mahal ng hearing aid, isa palang ang nabibili namin. More than a year ko palang po ginagamit itong isa.
Ang ginagamit ko pong hearing aid ngayon ay Phonak Audéo. Mahal ito pero mas may mahal pa na hearing aid at nasa around Php350,000. Syempre hindi natin kaya iyun. Pero ang model na ginagamit ko ngayon ay sapat na para sa everyday na gawain. Naka-cancel out nito ang mga unnecessary noise. Halimbawa, may sobrang lakas na noise ay hindi nito ia-amplify or lalakasan. Parang ginagaya nito ang performance ng literal na tenga at malaking tulong na ito sa akin. Kailangan pa po namin magipon para sa isa pa. Gusto ko lang po i-share sa inyo na meron akong hearing aid. At least hindi kayo magugulat kapag nakita niyo ako sa public.
Nakakaapekto ba ito sa pag-review ko ng TWS and phone speakers? Hindi. Kasi may problema lang ako sa mga sound na nangaling sa malayo. Pero ang sound na nangaling malapit sa akin, lalo na kung nakasuot iyan, wala pong problema. Same lang po ang naririnig ko. Kapag sinabi kong malakas ang phone speaker or TWS, malakas po talaga iyun.
Gusto ko lang din i-take ang opportunity na ito para i-share sa inyo ang isang backup na hearing aid na ginagamit ko. Kasi kapag pupunta kayo sa Lazada or Shopee, madami duon ang lalabas na result sa hearing aid. Ang daming mura duon, like Php1,000, Php800, at Php500. Napakamura po ng hearing aid na iyan. Sa totoo lang, hindi po hearing aid ang tawag dito at sound amplifier lang. Ina-amplify nito ang sound sa paligid. At kapag nagtagal ito sa tenga natin eventually ay masisira lalo ang pandinig natin. Galing po ako diyan at meron akong biniling mga mumurahing “hearing aid”. Pero hindi po ito nakatulong kasi lahat malakas at masakit sa tenga. Sinabi rin ng ENT doctor namin na huwag magsuot ng ganun kasi hindi ito makakatulong. Kaya sinikap namin makabili ng totoong hearing aid.
OTC Hearing Aid
Gusto ko i-share sa inyo ang backup or OTC hearing aid, over the counter hearing aid na ginagamit ko. Iyan ang Linner. Mukha itong TWS diba. Hindi ito sponsored ng Linner. Nagkataon lang at for some reason ay kinontak nila ako last year. Sinabi nila na gusto nilang ipa-review ang kanilang hearing aid. Hindi ko ito na-review agad dahil una, akala ko kagaya lang ito ng hearing aid na mura. Pangalawa, parang hindi pa po ako ready na sabihin sa inyo na hard hearing ako. Ginamit ko muna ito for so many months. Tuloy-tuloy ito na paggamit at gusto kong i-share sa inyo ang honest thoughts ko tungkol dito. At kung worth it ba ito bilhin, kasi nasa Php14,900.00 or almost Php15,000.00 ang presyo nito. May kamahalan na rin ito. Bago niyo ito bilhin gusto ko i-share sa inyo ang ilang features nito.
Specification:
Ang UV Light ay gumagana kapag sinauli natin ang hearing aid or TWS. For cleaning ito at the next time na isusuot natin ang hearing aid, malinis na ito. Meron itong USB-C port sa ilalim at may wireless charging. Sa lahat ng nagamit kong murang hearing aid, ito po ang the best. Napakaganda po nitong backup. Hindi nito mapaantayan ang sound ng mahal na hearing aid na nabibili sa hearing aid centers, like Manila Hearing Aid. Pero close enough at pwedeng-pwede as backup.
May mga version kasi ng hearing aid. May mga built-in battery na hearing aid pero ang sakin ay hindi.
Kapag nalowbat ang hearing ko, sasalpakan ko lang ng bagong battery at maghintay ng 3 seconds, okay na ulit. Whereas sa mga may built-in battery, kailangan pang i-charge sa charging case at maghihintay ka pa hanggang sa pwede na magamit. Kung ganun ang ating situation, maganda maging backup itong Linner. Highly recommended, hindi ito sponsored guys at ilang months ko na ito ginagamit as my backup. Ang laking tulong at sobrang ganda ng performance nito. Kapag nakita niyo ako na ganito ang suot, baka lowbat ang hearing aid or nasa maintenance period. Kasi ang mga hearing aid kahit ingatan, mapapasukan at mapapasukan ng ear wax at moisture. Every 3 to 4 months ay kailangan ito dalhin sa technician at palinisan. Para bumalik sa dating performance.
Sa mga time na iyun ay mahirap kung wala tayong gamit na hearing aid. Kaysa bumili pa tayo ng isa pa na napakamahal. Bili nalang tayo ng Linner, na nasa Php15,000.00 lang. Pwede na natin ito magamit as TWS. Hindi ito kasing ganda ng mga dedicated na TWS pero pwedeng-pwede na. Kapag binili natin itong Linner, may kasama itong additional mic. Kapag i-on natin ito ay automatic na ko-connect ito sa Linner. Kapag nasa public place tayo at sa sobrang ingay ay hindi na natin marinig ang kausap natin. Pwede natin ito ilapag sa table at mas maa-amplify pa ang sound sa paligid. Kaya maririnig na natin ang kausap natin. kapag nasa bahay naman tayo, pwede natin ito i-connect sa TV via 3.5 audio cable. Pwede naman natin ito i-charge via USB-C.
Companion App
Kapag sinuot natin itong Linner ay para ka lang may suot na TWS. Kaya hindi ito nakakahiya isuot sa public. Itong Linner, kapag ginamit natin ay may kasamang companion app. Sa app pwede ma-control ang volume ng bawat isang hearing aid. Meron din itong Modes sa ibaba na makakatulong para agad-agad ay makapag-adjust ang Linner sa situation. Sa advance settings naman, pwede natin i-adjust ang sound manually. Meron din itong hearing test kung sakaling gusto natin naka-tailor sa sound na naririnig natin itong hearing aid.
Hindi kagaya ng mga nasa Lazada at Shopee, ito ay FDA approved at Audiologist recommended. Makikita naman sa website nila na ang ganda ng hearing aids nila at mura. Kasi ito talaga ang problema sa ngayon, ang mga hearing aids ay ang mahal. Para kang bibili ng motor in cash. Kaya ngayoon nagiipon kami para makabili. Hopefully, in coming months ay makabili na ako ng isa pa. Pero so far, itong hearing aid ko ay napakalaking tulong at naririnig ko ang kausap ko ng buo.
Verdict
Iyan lang ang gusto kong i-share sa inyo. Kung sakali na makita niyo ako ay alam niyo na ang nasa tenga ko. Marami na ang nakakaalam actually, mga friends, family member, mga tech industry, at mga brands. Ako mismo ay gusto ko na sa akin mangaling yung information na hard hearing ako. Hindi po ako 100% bingi, meron akong naririnig pero mahina. Para sa akin malaking tulong itong Linner para sa mga naghahanap ng backup. Salamat sa pagbasa. Salamat din sa mga naga-adjust para sa mga hard hearing person. lakasan niyo lang po ang boses niyo kapag kausap niyo ang hard hearing person individuals.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
https://www.linnerlife.com
Para naman sa video ko, pede niyo panoorin dito: