MANILA, PHILIPPINES – Opo! After 3 years mula ng nag-start ang kanilang streaming service, inanounce na officially ng The Walt Disney Company, via Disney Philippines, na ang kanilang “movie streaming arm” na Disney+ ay magiging available na dito sa atin sa NOVEMBER 17. Parte ito ng kanilang business and service expansion dito sa Asia-Pacific region. Kasunod rin ito ng announcement ng Netflix last week, na sa susunod na buwan naman ay magsisimula ang kanilang “Basic with Ads” Plan. (Though, hindi ito magiging available sa Pilipinas.)
Sinabi din ng Walt Disney sa kanilang announcement na ang monthly subscription ay magsisimula sa ₱159 para sa Mobile Plan at ₱369 naman para doon sa Premium Plan. Pero hindi gaya ng Netflix, mag-o-offer ang Disney+ ng annual subscription for ₱1,150/year sa Mobile Plan and ₱2,950/year sa Premium. Ibig sabihin, every year ka na magbabayad at hindi monthly. Pero hindi pa tayo binigyan ng details ng Walt Disney kung anu-ano yung mga accepted na payment method para makapag-avail ng subscription. Sa ngayon, eto pa lamang ang mga detalye ng plans:
Kapag naging available na ang Disney+ sa November 17, pwede na natin ito madownload sa mga gadget natin (smartphones, tablets, smart TV, and streaming media players), na ang gamit ay ang mga operating systems gaya ng Google’s Android OS at Chrome OS, Apple’s iOS, at saka Microsoft’s Windows OS.
Sinisigurado naman ng Walt Disney na mag-e-enjoy ang kanilang magiging subscribers dito sa bansa dahil sa dami ng mga palabas na meron sila lalo na at meron silang mga palabas na produced by Disney+ Originals, Marvel, Pixar, Star Wars, National Geographic, at Star Channel.
Patuloy pa rin tayo mag-aabang sa karagdagang updates about dito sa kanilang streaming service. Pwede rin ninyong bisitahin ang kanilang mga website:
DISNEY+ PHILIPPINES: https://www.apps.disneyplus.com/ph/pre_launch
DISNEY PHILIPPINES: http://www.disney.ph
Ano sa tingin ninyo? Lilipat na ba kayo sa Disney+ at susubukan ang kanilang streaming service? O stick na muna sa nakasanayan na streaming services gaya ng Netflix, HBO Go, Amazon Prime Video, at Discovery+? I-share nyo naman iyan sa Comment box sa ibaba.