Na-unbox na nga natin ‘tong INFINIX NOTE 12 Pro 5G! At naipakita ko na din sa inyo yung specs at ilang sample photos at videos kuha sa 108MP nyang camera sa ginawa nating partial review, almost 2 weeks matapos kong magamit ang phone na’to, ipapapakita ko naman sa inyo yung aking full review dito sa INFINIX NOTE 12 Pro 5G. Kaya kung plano mo ‘tong bilhin, mas maganda kung tingnan mo muna to’ para magkaroon ka ng idea about sa Pros and Cons ng phone na ito.
Almost 2 weeks matapos kong magamit ang phone na’to, ipapapakita ko naman sa inyo yung aking full review dito sa INFINIX NOTE 12 Pro 5G. Kaya kung gusto mo ‘tong bilhin, mas maganda kung samantalahin mo yung malaking discount price nito na from P12,499 magiging P10,299 na lang siya sa September 27-29. Pero kung plano mo pa lang na bilhin ‘to mas maganda kung tingnan mo muna ‘tong ginawa nating review para magkaroon ka ng idea about sa Pros and Cons ng phone na ito.
DESIGN
Unahin na nating pag-usapan yung design niya, okay naman sakin yung colorway na Force Black, pero kung ako ang papiliin mas maganda kung dun kayo sa Snowfall para hindi masyadong halata yung mga smudges if ever lang naman na di kayo gagamit ng phone case. Pero overall pagdating sa design, yung pagiging simple niya ang nagpapaganda sa phone na’to, kaya for me okay na okay siya!
Maganda din yung Conventional Fingerprint Scanner niya, sobrang reliable at mabilis, sa bawat pag-pindot ko agad-agad naman siyang nagre-response. Gustong-gusto ko rin yung haptics ng phone na’to! Ang ganda talaga ng quality, almost midrange phone na, magugustuhan niyo rin ito for sure.
Notch
Isa ito sa malaking issue niya pero hindi naman ito deal breaker, depende parin sa preference natin, para sa presyo niya hindi na ako magrereklamo kung hindi siya naka Punch-hole, maliban nalang kung 20k or almost 25k yung price, doon magiging issue na talaga yung Notch. Napansin ko rin yung bottom chin niya hindi makapal at almost proportion naman yung bezel ng phone na’to, so pagdating dito okay na okay din siya para sakin!
DISPLAY
Pagdating naman sa display niya ito ay naka 6.7″ AMOLED 1080P 60Hz 100% DCI-P3, protected pa yan ng Corning Gorilla Glass 3 kapareho ng Infinix Note 12, at ito pa ang maganda diyan yng kaniyang Widevine Security Level ay Level 1, talagang mama-maximize natin AMOLED 1080P na display nitong INFINIX NOTE 12 Pro 5G, talagang ma-eenjoy natin yung panonood ng mga HD contents.
Display issue
Ang isa rin sa mga issue niya ay wala parin itong option na mapapalitan yung color ng display, wala itong presets kung gusto ba natin ng cool or warm temperature. Pero sana magkaroon na sa mga susunod na software update para mas ma-enjoy natin yung display. Pero overall okay parin sakin ang display niya kahit hindi siya naka 90Hz, atleast naka-AMOLED siya, accurate din yung kaniyang color coverage. Meron lang talagang kailangan i-improve, magagawa yan ng Infinix sa mga software updates kung gugustuhin nila.
PERFORMANCE
Kagaya ng ibang mga Infinix phones meron din itong MemFusion o Virtual RAM, up to 5GB ang pwede nating i-reserve sa kaniyang internal storage na gagamitin as RAM kung sakaling mapuno yung physical RAM.
BENCHMARK
Sa test na ginawa ko dun sa partial review ng phone na’to nakakuha ako ng Antutu Benchmark score na 380974, pero gumawa pa ako ng iba pang Antutu Benchmark, halimbawa kapag inilagay natin sa Game mode nakakuha siya ng score na 381629. Pero nung nilagay ko sa Game mode + naka MemFusion 5GB nakakuha lang siya ng score na 376595, malaki-laki yung binaba niya, decent parin na score pero kung ico-compare sa mga na-unang score, malaki talaga yung ibinaba.
GAMING EXPERIENCE
Sa NBA 2K20 no issues, walang lag, walang frame drops, napaka-smooth kahit naka-max pa yung graphics. sa Asphalt 9 naman decent din yung graphics na na-generate niya, wala din masyadong lag o frame drops katulad ng NBA 2K20 napaka-smooth din. At kahit sa Real Racing 3, okay din yung kaniyang performance. 60Hz lang yung refresh rate nito kaya hanggang 60FPS lang ang maibibigay sa’tin nito, pero ang pinaka importante, smooth naman overall.
Sa almost 2 weeks ko na gamit itong phone na’to masasabi kong okay na okay siya pagdating sa performance sa mga everyday application natin, wala akong na-experience na malaking problema at hindi rin siya nag hang.
BATTERY PERFORMANCE
Pagdating sa battery performance 5000mAh, 33W charging speed ang ganda ng SOT na nakuha natin na umabot sa 14 hours and 18 minutes, napakaganda na niyan, although hindi outstanding pero pwedeng-pwede na talaga. At syempre naging possible yan dahil sa kanyang AMOLED display at malaking battery capacity.
Pagdating sa charging speed from 16 to 100%, mabilis siya! 1 hour and 19 minutes lang inabot.
CAMERA
Ang isa pa sa malaking improvement na makikita natin dito sa INFINIX NOTE 12 Pro 5G compare sa INFINIX NOTE 12 ay yung kaniyang main shooter camera.
INFINIX NOTE 12 Pro 5G | INFINIX NOTE 12 |
108 MP, f/1.8 – MAIN | 50MP, f/1.6 – MAIN |
2 MP, f/2.4, (macro) | QVGA |
2 MP, f/2.4, (depth) | 2MP, f/2.4 (depth) |
16MP, f/2.0, (selfie) | 16MP (selfie) |
SAMPLE PHOTOS – OUTDOOR
Kung titingnan natin yung mga quality ng mga photos, malaki talaga yung improvement na makikita natin lalo na sa mga details, information, maganda din yung dynamic range niya, kitang-kita naman diyan sa mga sample photos, hindi blown out yung langit kahit pa direct na naka-focus dun at yung building hindi naging madilim. Yung kulay ng mga photos overall okay naman sa’kin.
INDOOR
At kahit sa indoor shot naka-survive yung phone na’to, kitang-kita yung balahibo ng pusa at hindi soft yung quality.
Nagustuhan ko rin yung quality ng mga photos kapag naka-night mode tayo, kita niyo naman malaki talaga yung difference, mas sharp, mas detailed kapag naka-night mode.
VIDEO CAMERA
Pagdating sa Video, kung naka steady lang o naka tripod lang tayo sa pag vi-video recording okay lang naman, hindi sobrang sharp saktong-sakto lang. Pero ibang usapan na kapag naglalakad ka or kapag gumagalaw ka habang nag vi-video recording, dahil wala itong stabilization kaya maalog talaga.
SELFIE CAMERA
Pagdating sa quality, kagaya ng sa rear camera, 2K 30FPS rin yung pinakasagad na resolution ng selfie video . Wala din akong masyadong nakitang difference pagdating sa quality kung ikukumpara sa Note 12, parehas silang maganda. Hindi narin ako nag expect na magkakaroon ng stabilization yung camera niya dahil nga sa price niya, pero sana kahit EIS (Electronic image stabilization) sa mga susunod na Infinix Note series para masabi nating sulit talaga.
MemFusion Issue
Balikan natin yung epekto ng MemFusion sa performance ng Infinix Note 12 pro 5G. Yung isa kagaya kanina bumaba yung score na nakuha natin sa Antutu, yung isa pa ay yung sa video recording dito sa rear at saka selfie. I-check mo dito yung difference.
Meron pa akong isang napansin na issue dito sa Infinix Note 12 5G, di naman ito deal breaker, maayos naman ito sa mga software updates, pero kapag naka-on yung MemFusion natin mapapansin niyo na magkakaroon ng slight delay yung video natin sa audio, hindi sila nagsasabay. Ganito yung nangyayari sa selfie camera pati narin sa main shooter kapag naka-on yung MemFusion.
Pero nung nag-off ako ng MemFusion nag sync na yung audio sa video, tulad nang sinabi ko kayang-kaya ayusin ng Infinix ‘to sa mga susunod na mga software update. Pero as of now ito yung expect nyo na mai-incounter natin na issue. Kaya ang suggest ko, kung hindi naman marami ang pinapatakbo nating apps, i-off nyo nalang muna yung MemFusion, lalo na kung ang priority niyo talaga ay mag take lang ng mga pictures o magrecord ng mga video para hindi niyo ma-encounter yung ganitong issue.
VERDICT
Kung ako yung tatanungin ninyo, meron tayong ilang mga nakita na issues sa phone na’to. pero tulad ng sinasabi ko kanina, hindi ito deal breaker kase may mga remedy naman. Para sa’kin sulit ‘to kase naka AMOLED kana, maganda yung battery life, maganda yung performance at yung kanyang camera ay sobrang acceptable na dahil sa 108MP, maganda yung selfie. Overall package talaga, okay na okay to! Mare-recommend ko siya!
Kung kayo naman ang tatanungin sulit ba talaga ang INFINIX NOTE 12 Pro 5G? Gusto naming marinig ang reaksyon mo, i-comment mo naman diyan sa ibaba.