Kung isa ka sa mga naghahanap ng budget-friendly pero talaga namang sulit na Bluetooth Speaker at Tablet para sa Home Schooling at iba mo pang activities, itong Huawei MatePad 10.4 2022 at Huawei Sound Joy ang talagang Perfect Combination para sa’yo!
Dito muna tayo sa presyo. Itong Huawei Sound Joy ay ₱6,999 at ito namang Huawei MatePad 10.4 2022 ay ₱18,999 lang ang presyo at may kasama nang Smart Keyboard, mamaya balikan natin ‘yan kung maganda ba yung Smart Keyboard case na ‘yan. Uy yung mga presyo ay as of June 21, 2022 ha.
Mag-unbox muna tayo. Sa loob ng box ng Huawei Sound Joy ay merong documentations kasama na ang Warranty Card at Quick Start Guide. Meron ding kasamang USB-C to USB-A cable for charging.
Itong Huawei MatePad 10.4 2022 naman, dahil review unit yung nasa akin, charging cable, SIM Ejector Pin, at charging brick lang ang meron. Walang documentations. Pero sigurado meron namang documentations sa mga retail unit. Siya nga pala, yung charging brick na kasama sa Huawei MatePad ay itong 22.5W na Huawei SuperCharger.
Una na nating pag-usapan ang experience ko sa Huawei MatePad. Ito pala quick specs niya:
Display | 10.4″ IPS LCD 2000 x 1200 224 ppi 470 typical brightness 60Hz Refresh Rate |
Performance | HarmonyOS 2.0 HUAWEI Kirin 710A 4GB RAM 128GB ROM |
Camera | 13 MP f/1.8 – Rear 8 MP f/2.0 – Front |
Battery | 7,250 mAh |
Kapag naka-landscape, makikita natin sa left side ang Power/Lock button at ang unang pares ng mga speakers. Sa right side naman ay USB-C port at isa pa ulit pares ng speakers. Yes, apat speakers natin dito! Astig! Plus meron din tayong apat na microphones kaya magiging maganda tunog natin sa mga video conference. Meron ding SIM Tray para makapag-data tayo dito or pwede ding Huawei NM Card ilagay mo para ma-expand pa ang storage natin. Pwede hanggang 1TB NM Memory Card.
Yung quality ng built-in speakers nitong Huawei MatePad 10.4 2022 ay talaga namang malakas, hindi ako nabitin sa max volume. Hindi din sabog ang tunog at may bass. Malaking bagay ‘yan kapag manonood tayo dito ng movies or videos or during calls.
Pagdating sa selfie camera, ayos lang naman. Hindi na sharp yung quality at medyo maputla din yung kulay. Mas maganda yung quality ng rear camera, perfect kung mag-scan tayo ng documents. Hanggang 1080P 60FPS yung resolution na pwede nating i-set sa video recording sa rear camera.
Matte finish nga pala yung likod nitong Huawei MatePad 10.4 2022 kaya medyo smudge at fingerprint magnet kapag walang case at hindi ganon kadaling linisin o tanggalin yung mga smudges na ‘yan.
Kaya good thing talaga na may kasama nang Smart Keyboard / Case yung Huawei MatePad kapag binili mo. Samantalahin mo na habang freebie pa ‘to dahil medyo may kamahalan ‘to kapag binili ng separate dahil maganda talaga quality.
Agad-agad namang made-detect ng Huawei MatePad 10.4 2022 itong Smart Keyboard once tinurn-On na natin siya. Macha-charge mo ‘to via USB-C at mahaba talaga ang battery life. Hindi ko naubos since dumating sa ‘kin ‘tong Huawei MatePad almost a month ago na rin. Pagdating sa typing experience, masasabi kong comfortable talaga at maganda yung key travel. Naka-45 WPM ako sa typing test na usual speed ko sa typing kapag nasa laptop ako.
Pagdating sa display, gustong-gusto ko na ang nipis at proportioned talaga yung bezels natin dito. Sobrang ganda lang tingnan. Pero syempre yung quality mismo maganda din. Although hindi super vibrant ng color reproduction, very pleasing pa rin sa mata yung kulay overall. Pero kung plano mong mag-stream ng mga movies sa Netflix at sa iba pang streaming apps, hindi ka makakapag-play dito ng mga HD Contents dahil Level 3 lang ang Widevine Security niya.
Pwede ka ding gumamit ng M-Pencil para mas madami ka pang magawa like sketches or pang-highlight sa mga binabasa natin. Maliit lang naman ang latency at hindi super obvious maliban na lang kung nakagamit kana ng mga high-end na mga stylus before sa mga high-end na tablet.
Hindi lang usual yung way ng pag-pair natin dito sa M-Pencil at sa Huawei MatePad 10.4 2022 dahil kaylangan pa nating gamitin yung charger na kasama sa box ng M-Pencil at isaksak sa Huawei MatePad para ma-detect siya. Medyo hassle pero once mo lang namang gagawin yung mga steps na ‘yan.
Sa performance naman, hindi tayo umabot ng 200,00 sa AnTuTu kaya i-expect na natin na hindi natin magagamit ang tablet na ‘to sa mga mabibigat na tasks like video editing, pero yung mga basic photo editing kaya naman. At yung mga word processing apps sisiw naman sa Huawei MatePad.
Sa mga concern sa mga Google Apps, no problem dahil may GSpace tayo sa loob ng AppGallery! Lahat ng mga apps ng Google pwedeng pwede natin i-install dito.
Pagdating naman sa battery life, nakakuha naman tayo ng malaking SOT (screen-on time) at isa ‘to sa pinakamalaking SOT na nakuha sa isang tablet. 14 hours and 9 mins, kaya pwede nating i-expect na tatagal ‘to kahit pa 1.5 days. Sa charging naman, 16-100% inabot lang tayo ng 2 hours and 11 mins. Mabilis ‘yan knowing na 7,250 mAh yung capacity niya.
Ito namang Huawei Sound Joy ay magiging complement sa Huawei MatePad 10.4 2022 dahil mas papagandahin pa nito ang media consumption natin. Co-engineered with Devialet ‘to kaya sobrang crispy ng sound at dumadagundong talaga ang bass. Sobrang lakas din ng max volume na sa test ko, dinig sa buong bahay pati na rin sa kapitbahay namin.
Dimensions | 202 x 73 mm / 680 g |
Battery | 8800 mAh 40W |
Connectivity | Bluetooth 5.2 + NFC |
Microphone | 3 mics |
Pwedeng naka-landscape mode itong Huawei Sound Joy, madali lang din ang controls, at IP67 pa ang rating kaya if ever na plano nating gamitin ‘to outdoor, kahit pa sa gilid ng pool, okay na okay lang.
Ang elegante din ng design ng Huawei Sound Joy, para siyang naka-mesh na tela all over kaya unlike sa traditional speakers na ang glossy, itong Huawei Sound Joy hindi magagasgas at hindi din magkakaroon ng mga dents basta-basta. Meron din ‘tong tatlong built-in microphones kaya pwedeng gamitin sa mga calls.
Kaya overall, talagang mare-recommend ko ‘tong Huawei Sound Joy kung naghahanap ka ng Bluetooth Speaker na maganda talaga pero hindi ganon kamahal. Magandang kapartner din ‘to ng Huawei MatePad!
May ilang bagay lang ako hinanap sa dalawang device na ‘to. Una, sa Huawei MatePad 10.4 2022, mas okay sana kung may Headphone Jack pa din para magamit sana natin ang wired earphones natin, or naglagay sana ang Huawei ng USB-C to Audio Jack adapter as a remedy. Mas okay din sana na may 6GB or 8GB na variant itong MatePad para sa mga heavy load na mga tasks.
Sa Huawei Sound Joy naman, isa lang complain ko, sana din nilagyan nila ng headphone jack. Ang saya din sana kung walang latency yung media consumption natin. Although hindi naman na talaga noticeable dahil sa Bluetooth 5.2, but then again, may mga users pa rin (kasama na ako) na mas gustong naka-wired sila.
Pero overall, like I said kanina, panalo yung dalawang device na ‘to. Talagang mare-recommend ko sa inyo!
Pwede mong iclick yung mga link sa baba para maka-order kana ng Huawei MatePad at Huawei Sound Joy!
Huawei MatePad 10.4 2022 (₱18,999) | Click here |
Huawei Sound Joy (₱6,999) | Click here |