Welcome sa ating Top 10 Entry Level Phones ng 2024. Disclaimer lang na lahat ng phones sa list natin ay actual kong ginamit this year. Lahat ng phones na babangitin ko ay nasa baba ang link ng Lazada. Nasa baba rin ang YouTube link ng bawat phone para mapanood mo muna ang review before mo bilhin.
#10 – Blackview Shark 8
Price:
Display:
Ang screen resolution ay FHD+ pero may catch iyan dahil ang Widevine Security Level ay Level 3 lang. Hindi tayo makakapag-play ng HD content sa mga streaming services kagaya ng Netflix. Pagdating sa Media consumption, itong Blackview Shark 8 ay hindi natin maasahan pero bumawi ito pagdating sa battery.
Battery and Performance:
Ang maganda pa ay yung storage nito na hindi lang malaki kasi 256GB na at hindi eMMC kundi UFS 2.0. Para sa presyo na iyan ay mabilis na ang read and write speed. Ang RAM ay 8GB LPDDR4X kaya pagdating sa storage at RAM ay pasadong-pasado talaga yung performance. Pagdating naman sa AnTuTu ay nakakuha tayo ng 414754, mataas iyan para sa presyo.
Sample photo and videos screenshot:
Sa camera nito ay meron itong 64MP at sa quality ay maganda, tamang-tama lang yung sharpness, at acceptable na para sa mga social media uploads natin. Pagdating naman sa selfie camera na 13MP, asahan na natin na hindi ganun kaganda kasi nga mababa lang ang presyo ng phone na ito. At talagang nag-focus sila sa display at performance.
#9 – CHERRY Aqua S11 Pro
Price:
Display:
Itong CHERRY Aqua S11 Pro ay 120Hz ang refresh rate pero may catch lang, yung Widevine Security Level ay Level 3 lang. Hindi tayo makakapag-play ng HD content at hindi natin masyadong mau-utilize ang media consumption ng AMOLED display.
Battery:
5000mAh naman ang battery at mabilis rin yung charging kasi 33W ang charging speed. At sa test ay nakakuha tayo ng 12 hours and 10 minutes na screen on time.
Performance:
At ang maganda rito ay ang storage na UFS 2.2, ang 8GB of RAM ay LPDDR4X, at yung storage ay 256GB na rin. Sa AnTuTu ay nakakuha tayo ng 416242 na score, mataas iyan para sa presyo.
Sample photo and videos screenshot:
Yung camera nito ay 64MP din pero unlike sa Blackview, medyo na-compromise dito yung camera quality. Kasi yung mga picture ay medyo maputla at soft na kaya hindi ganun kaganda kapag ini-upload natin sa social media. Pagdating naman sa 16MP na selfie camera, napansin ko lang na kung minsan ay out of focus sa mukha ko yung camera. Malabo yung mga selfie ko rito.
#8 – Infinix HOT 40 Pro
Price:
Display:
Naka-IPS LCD itong Infinix Hot 40 Pro pero yung refresh rate ay 120Hz ulit at FHD+ ang resolution. Hindi kagaya nung dalawang phones na nauna, itong HOT 40 Pro ay Widevine Security Level 1. Makakapag-play tayo ng mga HD content sa mga streaming services.
Ang battery capacity nito ay 5000mAh at 33W din ang charging speed. Pero, unlike sa dalawang nauna, itong HOT 40 Pro ay merong reverse wired charging. Pwede natin itong gamitin as power bank sa iba nating device.
Performance:
Mas mataas yung nakuha nating score sa AnTuTu, 422705.
Camera:
Mas mataas din ang camera nito na 108MP na kaya asahan niyo na mas sharp ang mga photo. Pero pagdating sa kulay ay hindi ganun ka-true to life. Pero pwedeng-pwede na ito para sa mga social media uploads. Yung selfie camera ay nakakabilib dahil 32MP na at kayang mag-record ng up to 2K 30fps.
Sample photo and videos screenshot:
#7 – Redmi Note 13
Price:
Display:
Nakakabilib yung makukuha nating display sa Redmi Note 13. Ang Widevine Security Level nito ay Level 1 din kaya makakapag-play tayo ng mga HD content sa mga streaming services kagaya ng Netflix.
Battery and Performance:
Same din sa mga nauna ang battery capacity nito. Medyo mas mababa yung nakuha nating AnTuTu score pero binawi naman nila sa display. Ang score nito ay 349384.
Camera Specs:
Sample photo and videos screenshot:
Naka-108MP na ito, maganda at mas-vibrant yung pictures kaysa sa mga naunang phone sa list. Sa selfie camera naman ay medyo maputla na yung quality pero pwedeng-pwede na.
#6 – itel RS4
Price:
Display:
Medyo mas mababa yung display ng itel RS4 pero may pambawi iyan mamaya. Yung Widevine Security Level ay Level 1 kahit HD+ lang ang resolution nito. Makakapag-play tayo ng HD content sa mga streaming services.
Battery:
45W ang charging speed nito kaya mas mabilis. At sa test natin ay nakakuha ito ng 14 hours and 39 minutes na screen on time.
Performance:
Ang chipset nito ay Helio G99 Ultimate kaya may konting tweak na ginawa ang itel para mas umangat ito ng kaunti sa ibang Helio G99. Hindi ganun ka-significant yung difference pero meron. Acceptable ang nakuha nating AnTuTu score, 428119.
Camera:
50MP ang main camera at medyo soft yung quality pero usable pa rin. Pati yung video ay pwedeng-pwede na rin para sa presyo. Yung selfie camera naman ay 8MP lang, hindi accurate yung kulay pero sharp enough para ma-upload natin sa mga social media accounts natin.
Sample photo and videos screenshot:
#5 – POCO M6 Pro
Price:
Display:
Nakakabilib yung specs ng display nitong POCO M6 Pro. Meron itong Corning Gorilla Glass 5 protection. Yung Widevine Security Level ay Level 1 din so pagdating sa media consumption ay maganda yung phone.
Battery:
Same din ang battery capacity nito sa mga nauna pero ang charging speed ay 67W. At sa test ay nakakuha tayo ng 12 hours and 2 minutes na screen on time.
Performance:
Yung chipset naman nito ay Helio G99 Ultra, may kaunting tweak na ginawa ang POCO para umangat ng kaunti sa ibang G99. Pagdating sa AnTuTu score ay nakakuha ito ng 436609.
Camera:
Sample photo and videos screenshot:
Ang main camera nito ay 64MP at nagustuhan ko yung mga photos kahit 64MP lang. Natural ang mga kulay, hindi maputla, at hindi rin overly saturated. Ang 16MP naman na selfie camera ay medyo na-compromised ng kaunti kasi maputla na yung quality pero pwedeng-pwede na para sa presyo.
#4 – Infinix HOT 40 Pro+
Price:
Display:
Itong Infinix HOT 50 Pro+ ay 100% ang DCI-P3 nito kaya pagdating sa accuracy ng display ay pasadong-pasado ito. Meron din itong Corning Gorilla Glass protection, although hindi sinabi ng Infinix kung anong klaseng Corning Gorilla Glass ang inilagay nila dito pero at least para sa isang entry level phone ay meron tayong protection sa screen. Level 1 din ang Widevine Security kaya makakapag-play tayo ng mga HD content sa mga streaming services.
Battery:
Sa test natin ay nakakuha ito ng 13 hours and 1 minute na SoT. Yung chipset ng phone na ito ang pinakakakaiba so far sa list natin, Helio G100. Android 13 na rin ito out of the box at 8/256GB rin ang configuration nito kaya sa AnTuTu ay nakakuha tayo ng 435960 na score.
Camera:
Sample photo and videos screenshot:
Pagdating sa main camera na 50MP, medyo madilim, hindi vibrant para sa akin, pero sharp, at kung iu-upload natin ito sa social media ay malinaw pa rin. Yun nga lang ay hindi ganun kaganda yung kulay. Ganun din ang quality ng 8MP na selfie camera, maputla at soft ang quality.
#3 – itel S25 Ultra
Price:
Display:
Pagdating sa display, itong itel S25 Ultra yung mukhang flagship talaga sa list natin. At ang Widevine Security nito ay Level 1.
Battery:
Same lang battery capacity nito pero ito yung may pinakamabagal na charging speed so far, 18W. Sa ating test ay nakakuha lang tayo ng 10 hours and 47 minutes na SoT.
Performance:
Medyo mababa ang score na nakuha natin sa AnTuTu na 332915.
Camera:
Pagdating naman sa main camera na 15MP, pwede na at hindi na masama ang quality, hindi maputla at sakto lang naman yung kulay. Pagdating naman sa selfie camera, 32MP ang meron at para sa akin ay impressive yung quality para sa ganitong presyo.
Sample photo and videos screenshot:
Bakit ko ito inilagay sa top 3? Kita niyo naman sa display na parang flagship ito pati na rin ang itsura. Yung selfie camera na usually na ginagamit natin ng madalas ay maganda rin yung quality kaya inilagay ko ito sa top 3.
#2 ZTE Blade A75 5G
Price:
Ito yung pinakamurang phone sa list natin. Ang display nito ay 6.6″ IPS LCD, HD+ or 720p ang resolution, pero 120Hz naman yung refresh rate. Yung Widevine Security ay Level 3 lang kaya hindi natin mae-enjoy yung media consumption. Ang battery capacity naman nito ay 5000mAh pero yun nga lang ay 10W lang ang charging speed at mabagal.
Naka-Unisoc T760 ito na chipset, Android 13 na out of the box, at 4GB lang na LPDDR4X RAM. Pero ang selling point ng phone na ito ay ang storage. Sa lahat ng nabanggit na phone ay ito lang yung naka-UFS 3.1. Pagdating sa AnTuTu score ay natalo nito yung mga naunang phone, 471171.
Pagdating naman sa main camera na 50MP, sa ganitong presyo ay maganda na yung quality ng phots na mabibigay sa atin. Yung 8MP na selfie camera naman ay impressive yung quality para sa presyo. Makakapag-record pa ito ng hanggang 1080p video recording.
Sample photo and videos screenshot:
#1 nubia Neo 2 5G
Price:
Display:
Level 3 lang ang Widevine Security nitong nubia Neo 2 5G pero hindi kasi media consumption yung focus ng phone.
Battery:
Sa test natin ay 11 hours and 42 minutes ang nakuhang SoT.
Performance:
Itong phone ay 5G din at ito rin ang nakakuha ng pinakamalaking AnTuTu score sa list natin, 542909. Ang pinakakakaiba sa phone ay meron itong shoulder triggers at for gaming talaga yung phone.
Pagdating sa 50MP na main camera, pwede na yung quality pero wash out na minsan, soft na, at hindi sharp. 16MP din ang selfie camera at hindi ako nagandahan.
Sample photo and videos screenshot:
Conclusion
Iyan ang Top 10 Entry Level Phones ng 2024.Uulitin ko na lahat ng nasa list ay actual na nagamit ko this year.
Kung gusto nyo bumili nito, click niyo lang ang link na ito:
Blackview Shark 8 – https://invol.co/clm3me7 YT: • Blackview Shark 8 – Pwede Na Ba Para …
CHERRY Aqua S11 Pro – https://invol.co/clkql74 YT: • CHERRY Aqua S11 Pro – ETO MGA DAPAT M…
Infinix Hot 40 Pro – https://invol.co/clkixg5 YT: • Infinix HOT 40 Pro – Murang-mura Para…
Redmi Note 13 4G– https://invol.co/clkt7q2 YT: • Redmi Note 13 4G – SULIT..pero DEPEND…
itel RS4– https://invol.co/clm3mog YT: • itel RS4 – Pinakamurang Gaming Phone?!
POCO M6 Pro– https://invol.co/clm3mtt YT: • POCO M6 Pro – Merong Helio G99 ULTRA,…
Infinix HOT 50 Pro+– https://invol.co/cllsyg0 YT: • Infinix HOT 50 Pro+ – FULL REVIEW (Ma…
itel S25 Ultra– https://invol.co/cllwpdf YT: • itel S25 Ultra – ABA, MATINDI DIN PAL…
ZTE Blade A75–https://invol.co/clm3mg3 YT: • ZTE Blade A75 5G (SMART) – NAPAKAMURA…
nubia Neo 2 5G– https://invol.co/clm3n3f YT: • nubia Neo 2 5G – Gaming Phone sa Pres…
Para naman sa video ng review ko, pede niyo panoorin dito: