MANILA, PHILIPPINES – Noong July, 2022, nai-release sa Philippine market ang Nothing Phone (1), ang Android Smartphone na talagang kakaiba pagdating sa physical appearance dahil sa transparent na back portion nito na may mga LED strips, na siya namang na-review na natin sa ating channel. Then nag-release naman ng information ang Nothing na sa October 26, ire-release naman nila ang kanila TWS Earbuds, ang Nothing Ear (Stick).
Pero hindi pa man naa-unveil sa market ang kanilang Nothing na “Ear (Stick)“, nagkaroon agad ng tweet ang CEO ng Nothing na si Carl Pei (@getpeid) noong October 12, tungkol sa isang “concept” na siyang posibleng maging design ng kanilang susunod na wireless audio accessory, at maaaring tawaging “Nothing Head (1)“.
Ang nasabing design ng over-ear headphones ay ginawa ng group na Yanko Design, isang online magazine na gumagawa ng modern industrial designs.
Batay sa statement ng Yanko Design, “What better product for Nothing to reinvent next? The smart wireless headphone space has absolutely been lacking. Sony seems to be the only worthwhile competitor to Apple’s AirPods Max and its relatively lackluster Beats sub-brand. What better time for Nothing to enter and disrupt a market that needs a new iconic product? … with its partnership with Teenage Engineering, the Nothing Head (1) could easily be a runaway success!“
Mapapansin sa design ng “Nothing Head (1)” na may LED lights/strips pa rin na kasama at transparent pa rin yung cover sa may ear cup, kung saan “trademark” na rin halos ng Nothing sa kanilang naunang device. Batay sa designer, ito ay para sa “futuristic touch” ng headphone, unlike sa ibang design ng headphones. Kakaiba rin daw ang pagcharge rito dahil sa unique charging stand na may “angle design“. Kaya ang pagcharge raw sa headphones ay parang nakatayo.
Pagdating sa audio accessories, lalo na sa mga wireless Over-Ear headphones, ilan sa mga kilalang brands ay ang Sony, Apple at Beats by Dr.Dre. Kaya magiging challenge ito sa Nothing sa ganitong category ng audio accessory, in case na i-consider nila ang design and concept ng Yanko.
Sa ngayon, walang pang announcement ang Nothing kung ia-adapt nila ang design upang i-launch ang Nothing Head (1) bilang bago nilang product.
Sana nakatulong ang article na ito sa inyo! Pwede rin ninyong bisitahin ang aming YOUTUBE CHANNEL at agad na mag-subscribe para ma-update kayo sa samu’t-sari pang unboxing and reviews na aming gagawin, dito lang yan sa SULIT TECH REVIEWS!