Haybriwan! May bagong release ngayon si Wiko: ito ay ang WIKO 10. Ang price nitong Wiko 10 ay 8,990 pesos para sa 6/128 GB variant at 7,990 pesos naman sa 4/128 GB. Ang nandito sa atin ngayon ay ang Klein Blue na 6 GB ang RAM at 128 GB naman ang internal storage. Available din ito sa dalawa pang kulay: Black at Silver. So, tignan natin kung ano pa makikita sa loob ng box.
UNBOXING
Sa box pa lang, talagang nag-improve na agad dito si Wiko. Makikita na napaka-elegante ng box design ng Wiko 10, compared sa mga box ng unang Wiko phones na na-review natin.
Ang unang makikita natin pagkabukas ng box ay ang mismong phone. Sa protective film, makikita naman ang top specs ng Wiko 10 gaya ng battery capacity nito na 5000mAh at 50 MP na main camera. Pag-usapan natin mamaya ang mga specs na yan.
Ito pa ang ibang accessories na kasama ng Wiko 10 sa loob ng box:
- Jelly Case
- Documentations
- 22.5W Charging Brick
- USB-C cable
- SIM Ejector Pin
DESIGN AND BUILD QUALITY
Pagdating sa design at build quality nitong Wiko 10, napaka-elegante tingnan at premium-looking lalo na yung likod. Ngayon tingnan pa natin yung ibang side ng phone na ito.
Sa kaliwa, makikita natin ang SIM Tray. Pero nakakalungkot lang kasi “Hybrid” yung SIM Tray nitong Wiko 10. So, mamimili lang tayo kung isang micro SIM + micro SD card o dalawang micro SIM pero walang ilalagay na micro SD card.
Nandito naman sa kanan makikita ang volume rocker at ang power-lock button, na nagse-serve din as fingerprint scanner. Pagdating sa bilis ng fingerprint scanner, medyo delay ang response nito ng 1/2 second, maaaring dahil sa display animation nung device.
Nandito naman sa top portion ng Wiko 10 ang kanyang secondary microphone.
Nasa ibaba naman makikita ang single-firing speaker, USB-C port, main mic at ang 3.5mm. headphone jack. Well, to be honest, hindi ganoon kalakas ang tunog ng speaker kahit naka-max volume na, though, maganda pa rin naman ang quality at hindi tunog-lata.
Ang display naman ng ating Wiko 10 ay may 6.74″ na naka-HD+ resolution . Ibig sabihin, 1600 x 720 lang ang resolution nito. Meron din itong 60Hz refresh rate at may 260ppi. Mapapansin din natin na medyo manipis ang bezel ng phone na ito sa parehas na side pati na rin yung taas, pero makapal yung bandang ibabang portion. Makikita din pala sa itaas ang front-facing camera at notch. Kapag tini-tilt naman yung phone, medyo dumidilim ang viewing angle nito kaya hindi siya ganon kaganda.
Pero isa sa nakakabilib dito sa Wiko 10 ay pwede mo palitan yung color ambience ng display. Kapag pumunta tayo sa Settings > Display, may makikita tayong option na Colors. Ito yung setting kung saan pwedeng baguhin ang Color Temperature (Cool to Warm), pati na rin yung color ambient kung Natural or Saturated, depende sa gusto natin. Meron din pala ang Wiko 10 ng tinatawag na “Color Palette“, na siyang feature ng Android 12. Kapag pumunta tayo sa Settings > Display > Color Palette, mako-customize natin yung overall na kulay ng UI ng Wiko 10. Pwede tayo rin tayo pumili sa “presets” na available sa Color Palette settings.
PERFORMANCE
Base sa spec sheet ng Wiko, ang Wiko 10 ay may Android 12 operating system at ang chipset ay MEDIATEK HELIO G37:
Medyo confusing ito dahil kahit sa ibang mga article at maging sa online selling platform, HELIO G37 talaga ang naka-declare. Pero pansinin ninyo itong lalabas sa ilang benchmark apps na gagamitin natin.
Mapapansin na HELIO P35 ang naka-indicate sa list at hindi Helio G37 na binabanggit ng Wiko. Hindi natin alam kung bug/glitch ba ito, pero sana maayos ito ng Wiko dahil concerning yung ganitong issue, to think na HELIO G37 ang dine-declare nila na chipset ng Wiko 10.
Sa Antutu Benchmark naman, nakakuha tayo ng 136,298 na score. Tama naman ang score nitong Wiko 10, pero kung ikukumpara natin yung score na ito sa score na nakuha ng ni-review nating Narzo 50i Prime, mas mababa ito, knowing, na mababa pa specs ng Narzo 50i Prime kaysa dito sa Wiko 10!
Kung manonood ka naman dito ng mga palabas mula sa kahit anong streaming services gaya ng Netflix, keep in mind na itong Wiko 10 ay may Widevine Security Level 3 “lang”. Ibig sabihin, hindi tayo makakapag-play or stream ng mga content kahit pa yung mga 720p videos.
Pagdating sa gaming, medyo may disappointment tayo dito dahil 6 GB naman yung RAM ng Wiko 10 na gamit natin pero nang subukan natin yung Asphalt 9, mediocre to poor quality… mas malala ang frame drops and mapapansin talaga natin na hindi maganda yung graphics na nage-generate sa laro.
Pero ang kagandahan sa Wiko 10 ay wala tayo gaanong bloatware na makikita. Meron din itong tinatawag na “Smart Assist” app, na kung saan, siyang nag-o-optimize ng phone, naglilinis ng storage, nagpapaluwag ng RAM at may anti-virus pa!
CAMERA QUALITY
Ang Wiko 10 ay may 50 Megapixel Main lens, 2 Megapixel Depth lens at 2 Megapixel Macro lens sa likod, while 8 Megapixel naman ang front-facing (selfie) camera. Sa 50 Megapixel camera, expected naman na sharp talaga pagdating sa details ng photos pero mahirap tayo makapag-take ng magandang picture dahil mabagal ang response ng shutter. Kaya kailangan talaga na steady sa pag-take ng picture pati na yung subject.
Pagdating sa Rear Video Recording naman, mas maganda ang 1080p video recording nito dahil sa 50 Megapixel main shooter. Samantala, sa Selfie Video Recording, 1080p (30fps) pwede nating i-set. Maganda din ang audio quality ng mic pero walang stabilization at hindi ganun kaganda yung exposure.
Share ko lang din sa inyo rito yung napansin nating bug kapag naka-selfie camera. Kapag susubukan natin mag-take ng picture gamit yung bokeh mode o yung blurred background effect sa camera app, mapupunta yung camera sa likod. Kapag pinindot natin yung rotate camera para bumalik sa selfie, napupunta siya sa photo mode at hindi sa bokeh. Sana ma-improve ng Wiko yun dahil hindi magamit yung bokeh mode kapag selfie camera.
BATTERY LIFE
Ang battery capacity ng Wiko 10 ay 5000mAh at may charging speed na 22.5W, so, mabilis naman. Pero hindi lang impressive para sa akin yung result ng SoT (Screen on Time) nitong device dahil almost 12 hours lang ang kaya. Mabuti na lang at mabilis ang pag-charge ng device dahil nakuha ko yung 13%-100% charge ng 1 hour, 36 minutes lang.
VERDICT
So para sa CONS ng device na ito, uunahin ko ng banggitin ang tungkol sa chipset. Hindi natin alam kung talaga nga bang Mediatek Helio G37 ito o Helio P35, gaya ng napansin natin sa benchmark. Isa pa ay yung mababang Screen on Time dahil expect natin na sa ganitong device ay 14 to 16 hours ang makukuha natin at hindi almost 12 hours.
Pero para sa price na 8,990 pesos, masasabi pa rin natin na worthy itong Wiko 10! May 6 GB na RAM, na makakatulong sa phone na hindi agad mag-hang. Mabilis rin ito sa pagbrowse ng website or social media at panonood ng videos. Isa pa, almost stock Android UI ang mae-experience natin.
Sana nakatulong ang article na ito sa inyo! Pwede rin ninyong bisitahin ang aming YOUTUBE CHANNEL at agad na mag-subscribe para ma-update kayo sa samu’t-sari pang unboxing and reviews na aming gagawin, dito lang yan sa SULIT TECH REVIEWS!